Bakit Mahalaga ang Mental Health at Paano Ito Mapapangalagaan

By: James L. Sacalamitao

November 17, 2023


             Ang Mental Health ay isang kritikal na aspeto ng pangkalahatang kalusugan, ngunit marami pa rin ang hindi tunay na nauunawaan ang kahalagahan nito. Bagaman mahalaga ang pagpapanatili ng maayos na pag-iisip para sa kalusugang pangkalahatan, pantay na mahalaga ang paghahanap ng paraan upang ito ay mapanatili. Sa kabilang banda, kahit na yung mga may isyu sa mental health, tulad ng depresyon o pagkabalisa, o nagkakaroon ng isang kasabay na karamdaman sa paggamit ng mga gamot, ay maaaring gumawa ng mga aktibong mga hakbang upang makamit ang mabuting kalusugan sa pag-iisip o mental health.

Larawan mula kay Marvin Gloria/Sunstar.com

 
            Ano nga ba ang Mental Health? Ayon sa World Health Organization (WHO), "ang kalusugan sa pag-iisip ay isang mahalagang bahagi ng kalusugan". Higit pa rito, ang konstitusyon ng WHO ay nagsasaad, "Ang kalusugan ay isang estado ng kumpletong pisikal, mental, at kagalingang panlipunan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o kahinaan.".

          Ang pagtataguyod ng mental health ay nangangailangan ng iba't ibang istratehiya, kasama ang mga programa at kondisyon ng pamumuhay na nagbibigay suporta sa kalusugan ng pag-iisip o mental health. Ang mga palatandaan ng problema sa kalusugan ng pag-iisip, tulad ng pagbabago sa gawi sa pagkain, nakakaramdam ng patuloy na kawalan ng pag-asa, ang pagpapakasawa sa alkohol, tabako, o iba pang mga sangkap nang higit sa karaniwan, pagkaranas ng hindi maipaliwanag na pagkalito, galit, pagkakasala, o pag-aalala, matinding mood swings, namimili ng mga away sa pamilya at mga kaibigan, nakakarinig ng mga boses na walang matukoy na pinagmulan at nag-iisip ng pananakit sa sarili o nagdudulot ng pinsala sa iba. Ilan lamang ito sa mga dahilan o palatandaan na ikaw ay mayroong sakit sa mental health. 


Larawang kuha mula sa Freepik.com

            Upang mapanatili ang mental health at pagiging isang well-being na tao o indibidwal, mahalaga ang regular na ehersisyo, sapat na pahinga, pagninilay-nilay, at pag-aaral sa mga kakayahan upang harapin ang mga hamon ng buhay. Ang pagtutok sa therapy o pagpapagabay sa propesyonal tulad ng Psychologist, Psychometrician o Psychiatrist ay isang mahusay na hakbang upang matutunan ang mas malusog na paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao at malabanan ang negatibong pag-uugali.


Larawang kuha mula sa Freepik.com


Larawang kuha mula sa Freepik.com

           Sa kabuuan, ang pangangalaga sa mental health ay isang pangunahing bahagi ng pang-araw-araw na buhay, na nagbibigay daan sa mas malusog na pamumuhay at mas mataas na kalidad ng buhay.

💖💖💖

            Kung kailangan mo ng tulong sa mga isyu sa mental health o kalusugang pag-iisip, maaari kang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na libreng krisis hotline123 na ito:

  • National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline: 0917-899-8727 o 79898727
  • Philippine Red Cross Hotline: 1158
  • In-Touch Crisis Line: 889-37603/ 0917-800-1123/ 0922-893-8944

        Kung nakakaramdam ka ng mga palatandaan ng mga sakit sa pag-iisip o mga isyu sa mental health, huwag matakot na makipag-ugnayan sa mga numerong nabanggit. Laging tandaan na hindi ka nag-iisa at ang paghingi ng tulong ay hindi nangangahulugang mahina ka, nangangahulugan ito na handa kang harapin ang iyong nararamdaman.


References: 

Gloria, M. (28 August 2020). Call for help for mental health.  https://www.sunstar.com.ph/davao/lifestyle/call-for-help-for-mental-health. 

Kane, S. (18 March 2020). Why Good Mental Health Is Important and How to Promote It. https://psychcentral.com/lib/why-good-mental-health-is-important-and-how-to-promote-it#1. 

Plumptr, E. (15 February 2023). Self-Improvement: The Importance of Mental Health. https://www.verywellmind.com/the-importance-of-mental-health-for-wellbeing-5207938. 

World Health Organization. (17 June 2022). Mental Health. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/mental-health-strengthening-our-response. 

Comments